Opisyal ng Ozamiz City, nais baguhin ang imahe ng lungsod

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 1551

Inamin ng isang opisyal ng Ozamiz na sa ngayon ay talagang napilayan na ang kapangyarihan ng mga Parojinog sa kanilang lugar.

Ayon kay Councilor Frits Neil R. Balgue ang Chairman ng Peace and Order ng lungsod, bago pa man napaslang si Mayor Reynaldo Parojinog, mayroon ng hindi pagkakaunawaan ang alkalde sa hepe ng pulisya na si Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Hinangaan ni Balgue ang ipinakitang sinseridad ni Espenido sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Inamin din Balgue na totoo ang ilan sa mga inaakusa sa napaslang na alkalde. Dahil dito, nais umano niyang mabago ang imahe ng Ozamiz City sa tulong ng bawat isang Ozamiznon .

 

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

Tags: , ,