Operasyon sa NAIA balik normal na, matapos ang emergency closure ng international runway kahapon

by Radyo La Verdad | May 31, 2017 (Wednesday) | 3254
Courtesy: MIAA

27 byahe ng mga eroplano ang naapektuhan kahapon nang biglang ipasara ng Manila International Airport Authority ang isang bahagi ng international runway sa NAIA.

11 flights ang na-divert sa Clark International Airport, 7 ang nadelay habang 9 naman ang nakansela.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal nagpatupad sila ng emergency closure matapos na mapansin ng Cebu pacific airlines ang isang malaking lubak sa runway 6.

Paliwanag ng MIAA, nagkaroon ng lubak dahil madalas umanong nakakayod ang runway tuwing nagla-landing ang eroplano.

Posible rin umanong bunga ito ng labis na init ng panahon at mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw kung kaya’t lumambot ang aspalto.

Agad namang nagsagawa ng asphalt laying sa naturang runway.

Tumagal ang pagkukumpuni ng tatlong oras.

Dakong alas kwatro na ng hapon ng bumalik sa normal ang operasyon sa NAIA.

Humingi naman ng paumahin at pagunawa ang miaa sa mga naapektuhang pasahero at sinabing kinailangan nilang kumpunihin ang sira sa runway upang maiwasan ang pagkakaroon ng aksidente.

(Joan Nano)

Tags: , ,