METRO MANILA – Ipinahayag ng Land Transportation Office (LTO) na bubuksan nito ang isang online system na magpapahintulot sa mga motorista na mag-apply ng driver’s license na hindi na kailangan pang pumunta sa opisina ng ahensiya.
Ipatutupad ang online procedure ng LTO para sa aplikasyon ng driver’s license , at ipapadala ang lisensya sa pamamagitan ng courier service.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, makakatulong ang pagkakaroon ng online system of registration upang matugunan ang problema sa mga fixer.
Noong Pebrero, inanusyo ng LTO na maaari ng mag-renew ng rehistro ang mga motor vehicle sa land transportation management system o ltms ng ahensiya.
Tags: Drivers License, LTO, Online System