Distribusyon ng plastic driver’s license card, sisimulan na ngayong araw – LTO

by Radyo La Verdad | April 16, 2024 (Tuesday) | 1876

METRO MANILA – Sisimulan na ngayong araw (April 16) ng Land Transportation Office (LTO) ang distribusyon ng driver’s license na naka-imprenta sa plastic cards.

Kahapon (April 15) nai-deliver na sa LTO Central Office, ang karagdagang 1-M suplay ng plastic cards.

Paalala ng ahensya, sundin lamang ang ibinigay nilang schedule para sa renewal ng driver’s license, na nakapaskil sa kanilang official social media accounts.

Nauna nang binawi ng Court of Appeals ang preliminary injunction na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court, na pumipigil sa delivery ng plastic cards sa LTO bunsod ng reklamo ng natalong bidder.

Tags: ,