Ombudsman Conchita Carpio Morales, mag-iinhibit sa imbestigasyon ng reklamong plunder laban kay presumptive President Elect Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 1590

OMBUDSMAN-CONCHITA-CARPIO-MORALES
Ipagpapatuloy ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa isinampang reklamo ni Sen. Antonio Trillanes the fourth laban kay Presumptive President Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito sa umano’y 11 thousand ghost employees ng Davao City noong 2014.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ito ay sa kabila ng posibleng immunity from suit na matatamasa ni Duterte oras na maiproklama na ito bilang pangulo ng bansa.

Ngunit mag-iinhibit si Morales at hindi na makikialam sa gagawing imbestigasyon dahil sa koneksyon nito sa pamilya Duterte.

Si Morales ay aunt-in-law ng anak ni Duterte na si Inday Sara dahil kapatid ng Ombudsman ang ama ng napangasawa nito.

Sakali namang makita sa imbestigasyon na nagkaroon ng paglabag sa batas, ipapaubaya na nila sa kongreso ang pagpasasampa ng impeachment case laban kay Duterte.

naniniwala naman si Morales na maaaring makatulong sa ombudsman ang mga programa kontra korapsyon ni Presumptive President Elect Duterte.

Maliban sa plunder complaint na inihain ni Sen.Trillanes laban kay Duterte, moto propio na ring iniimbestigahan ng Ombudsman ngayon ang tatlong criminal at dalawang administrative complaints laban kay Duterte.

Kaugnay ito sa umano’y nakitang anomaly sa kanyang Statement Of Assets Liabilities and Networth o SALN.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: , , ,