Ombudsman Conchita Carpio-Morales, sinampahan ng disbarment complaint sa SC

by Radyo La Verdad | March 24, 2017 (Friday) | 9263


Sinampahan ng disbarment case sa Supreme Court ni dating Manila Councilor Greco Belgica si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Bunsod ito ng pag-abswelto ni Morales kay dating Pangulong Benigno Aquino The Third sa mga dapat makasuhan kaugnay ng usapin ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Handa naman si Ombudsman Morales na harapin ang reklamong ito laban sa kanya.

Tags: , ,