Ombudsman Conchita Carpio Morales, itinanggi ang umano’y politically persecution sa mga kasong kanilang hinahawakan

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1099

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES
Itinanggi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga paratang na umano’y politically persecution sa kasong kanilang hinahawakan.

Ito ay matapos nagbigay ng pahayag ang ilang politiko na sila na nagiging biktima ng political harrasment sa Ombudsman.

Sa press statement na inilabas ng Ombudsman, sinabi ni Morales na lahat ng kasong kanilang dinedesisyunan ay base lamang sa mga hawak nilang ebidensya.

Oras na may sapat silang basehan para sa kaso agad nila itong isinasampa sa Sandiganbayan.

Wala naiya silang piniliping panahon sa pagrerekomenda ng kaso, eleksyon man o hindi.

Dagdag pa nito na nakasaad sa batas na dapat bigyang prayoridad ng Ombudsman ang mga kasong isinasampa sa mga high ranking government official na umano’y involve sa korapsyon.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: