Hinamon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga bumabatikos sa kanya na maghain ng impeachment complaint kung mapapatunayan na umano’y may selective justice ang kanyang tanggpan at ang mga oposisyon lamang na sangkot sa katiwalian ang kinakasuhan.
Binigyang diin ni Morales, lahat ng reklamo na dumaan sa kanilang opisina at mga kaso na isinasampa sa Sandiganbayan ay base sa ebidensya at sa batas.
Nagpahayag din ito ng pagkainis sa mga nagsasabing pinapaboran ng Ombudsman ang ilang kaalyado ng administrasyon at dinidiin ang mga itinuturing oposisyon.
Nagpasaring dito sa kampo ni Vice President Jejomar Binay na unang tumangging tupdin ang suspension order na inilabas ng kanyang tanggapan.
Ayon kay Morales, tungkulin ng lahat ng tao na sumunod sa batas, kahit siya mismo ay handang sumunod kung sakaling mag-issue ang Court of Appeals o ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order sa suspension order kina Binay.
Tags: Ombudsman Conchita Carpio Morales, Vice President Jejomar Binay