Oil companies, nagpatupad ng hanggang P1.65 na rollback sa petrolyo

by Radyo La Verdad | September 27, 2022 (Tuesday) | 12399

METRO MANILA – Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga producktong petrolyo sa ika-apat na sunod na linggo, ang mga kumpanya ng langis ngayong araw (September 27).

Epektibo kaninang 12:01 ng madaling araw, P1.65 ang binawas sa presyo ng kada litro ng gasolina ang Caltex.

P1.25 naman ang rollback sa presyo ng kada litro ng Diesel habang P1.35 naman ang natapyas sa presyo ng bawat litro ng Kerosene.

12:01 am din nagpatupad ng kaparehong bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at Diesel ang kumpanyang Cleanfuel.

Samantala epektibo naman kaninang 6am, binawasan ng Shell, Petron, Seaoil at Flying V ng P1.65 ang kada litro ng kanilang gasolina.

Habang P1.25 naman ang rollback sa Diesel at P1.35 sa kada litro ng Kerosene.

Sa kaparehong oras din nagpatupad ng price rollback sa gasolina at Diesel ang Unioil, Total Philippines, Phoenix petroleum, PTT Philippines, Petrogazz at Jetti petroleum.

Tags: