OFW repatriates mula Kuwait, binigyang prayoridad sa job and business fair ng DOLE kahapon

by Radyo La Verdad | March 27, 2018 (Tuesday) | 4050

Simula alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon kahapon, matiyagang pumila ang mga job seeker,  graduating students at maging ang mga OFW returnees sa trabaho negosyo kabuhayan job and business fair sa Cuneta Astrodome.

Isa sa mga highlight nito ang pagbibigay ng special lane para sa umuwing overseas Filipino worker (OFW), lalo na ang mga repatriates mula sa Kuwait.

Para sa OFW na si Gemini, magbabakasakali muna siyang mag-trabaho sa Pilipinas matapos ang hirap na dinanas nito sa Kuwait.

March 23 nang dumating mula Kuwait si Gemini matapos itong pauwiin ng kaniyang amo na walang dalang pera at naka-tsinelas lang.

Labing tatlong libong local at overseas employment opportunities ang alok ng DOLE, TESDA, DTI at ibang stakeholders sa mga job seeker.

Walong libo sa job vacancies na binuksan para sa local employment habang 5,000 job orders naman mula sa 11 recruitment agencies.

Nakatakda naman ang susunod na job at business fair ng DOLE sa labor day sa Mayo para sa lahat ng jobseeker sa buong bansa.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,