Nakauwi na ng bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez na nakaligtas sa parusang kamatayan matapos mapawalang-sala sa kasong pagpatay sa kaniyang amo na nagtangkang humalay sa kaniya sa United Arab Emirates (UAE).
Si Dalquez ay sinalubong ng kaniyang mga magulang pagdating sa NAIA kaninang pasado alas syete ng umaga.
Kasama sina DFA Undersececretary for Migrant Workers Sarah Lou Arriola, DOLE Undersececretary Claro Arellano at ang ang kinatawan ng OWWA.
Nagpapasalamat naman si Dalquez sa pamahalaan sa pagtulong sa kaniyang paglaya.
Nakulong si Dalquez ng apat na taon at nahatulan ng parusang kamatayan noong 2015.
Tags: Jennifer Dalquez, OFW, UAE