OFW na house hold workers, dapat nang mag-level up – OWWA

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 3881

Hinikayat ni Overseas Wokers Welfare Administration Deputy Administrator for Operations Atty. Brigido Dulay ang mga kababayan nating Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho bilang house hold workers na mag-level up bilang skilled workers.

Ipinahayag ito ni Atty. Dulay matapos na makauwi kagabi ang Pinay OFW na si Alice Aguilan na matagumpay na nailigtas ng embahada ng Pilipinas sa Iraq.

Si Alice ay mabilis na natulungan ng embahada ng Pilipinas nang i-broadcast niya ng live sa facebook ang ginagawang pang-aabuso sa kaniya ng kamag-anak ng kaniyang amo.

Ayon sa OWWA, mas magiging maganda ang oportunidad sa mga kababayan nating household workers sa abroad kung dadaan ito sa mga skills training gaya ng mga inaalok ng TESDA na kinikilala naman ang certification sa maraming bansa.

 

 

Tags: , ,