OFW mula sa Saudi Arabia na hinihinalang may MERS-CoV,negatibo na sa virus

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1612

JOAN_GARIN
Kinumpira ng Department of Health na negatibo na sa virus ang 59-anyos na Overseas Filipino Worker mula sa Saudi Arabia na hinihinalang may Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus.

Ayon sa report, dumating sa bansa ang OFW noong December 30,2015 at nagpakita ng ilang sintomas ng MERS-CoV tulad ng ubo at lagnat.

Nakarating pa umano sa Capiz ang OFW at nang kakitian ng sintomas ay agad na dinala sa isang ospital sa Iloilo noong January 3, upang masuri.

Matapos na makunan ng swab sample agad itong dinala sa Reseasch Institute for Tropical Medicine upang doon suriin ng mga doktor.

Batay sa resulta ng pagsusuri, negatibo sa MERS-CoV ang pasyente.

Paliwanag pa ng DOH, sa kasalukuyan ay mayroong anim na indibidwal na hinihinalang may MERS-CoV, ang kanilang patuloy na minomonitor.

Bagaman, negatibo ang mga ito sa nakamamatay na virus, sinuguro ng DOH na tuloy-tuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng mga entry points upang maiwasan ang posibilidad ng pagpasok ng MERS-CoV sa Pilipinas.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,