Maari na muling ma-access ng mga netizen ang official website ng Commission on Elections o COMELEC na pansamantalang hindi nagamit mula ng ma-hack ito noong Marso.
Naibalik na kagabi ang operasyon ng website ngunit hindi pa rin maaring magamit ang feature nito na precint finder.
Kaya naman payo ng comelec sa mga botante na nais malaman ang presinto kung saan sila boboto sa halalan sa lunes, tumawag lamang sa kanilang hotline na 525-9296 o di kaya naman ay mag text sa 0918-566-8301.
Maari ring ipaabot sa poll body ang mga katanungan at mensahe sa pamamagitan ng kanilang twitter at facebook account.
(UNTV NEWS)
Tags: Commission on Elections