Muling nagpaalala ang Office of the Transportation Security (OTS) sa mga pasahero na sundin ang mga ipinatutupad na security protocols sa lahat ng mga aiport.
Sa pahayag na inilabas ni OTS Administrator Undersecretary Arturo Evangelista, iginiit na importanteng masunod ang mga regulasyong ipinatutupad sa mga paliparan at hindi ito maaring ipagwalang bahala ng kahit sinomang pasahero.
Ginawa ng OTS ang pahayag matapos ang kontrobersiyal na isyu ni ACTS-OFW Party-list Representative John Bertiz kung saan nilabag umano nito ang ipinatutupad na security protocol sa NAIA Terminal 2.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng MIAA at OTS sa insidente at tiniyak na papananagutin ang sinomang mapatutunayang may kasalanan sa insidente.
Tags: ACTS-OFW Party-list Representative John Bertiz, NAIA, OTS