OCD, pag-aaralan ang posibleng pagbawal na manirahan sa 6km danger zone ng Mayon

by Radyo La Verdad | June 20, 2023 (Tuesday) | 5751

METRO MANILA – Pinag-aaralang mabuti ng Office of Civil Defense (OCD) ang posibleng pagbabawal nang permanente sa paninirahan sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon.

Ayon sa ahensya, mapanganib na umano sa mga residente ang bumalik pa sa kanilang tahanan dahil sa madalas na pag-aalboroto ng bulkan.

Pero kailangan pa itong pag-usapang mabuti dahil marami ang dapat isinasaalang-alang gaya ng kabuhayan ng mga residente lalo na’t karamihan sa kanila ay pagsasaka ang ikinabubuhay.

Sa ngayon ay sapat umano ang pondo para sa 90 araw o 3 buwan.

Nasa P1.3-B ang inilaan ng pamahalaan para sa pagkain, hygiene kit at iba pang pangangailangan ng mga nilikas na residente.

Pangamba ngayon ng OCD kung aakyat pa sa Alert level 4 o mas mataas pang alerto ang bulkan ay dodoble ang kailangang ilikas dahil lalaki ang sakop ng danger zone.

At dahil panahon na ng tag-ulan malaking banta rin kung sasabayan ng pagbaha ang pag-aalboroto ng bulkan.

Tags: , ,