PBBM, tiniyak na may pondo para sa mga pamilyang apektado ng aktibidad ng bulkang Mayon

by Radyo La Verdad | June 16, 2023 (Friday) | 4690

METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan upang tugunan ang  pangangailangan ng mga pamilyang apektado sa patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.

Ayon sa pangulo, walang problema sa budget ngunit dapat rin aniyang tingnan ang iba pang tulong na maaaring ibigay sa mga residenteng lumikas mula sa paligid ng Mayon.

“In terms ng actual na gastos alam ko may budget tayo ang sinasabi ko ang instruction ko sa kanila pag-aralan nilang mabuti hindi basta bigay kayo ng bigay ng pera kailangan tingnan niyo kung ano ang problema para maayos natin ung may problema sila.” ani Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PBBM, dapat ring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga batang hindi nakapag-aaral at maging ang kalagayan ng kanilang magulang. 

Tags: , , ,