METRO MANILA – Nagbabala ang National Telecommunications Commission (NTC) Region 11 sa publiko, na huwag bumili ng rehistrado nang SIM.
Ayon kay NTC Region 11 Regional Director Nelson Cañete, kapag bibili ng SIM card, ang may-ari o ang gagamit nito syang magrerehistro. O di kaya’y magpatulong sa kakilala kung hindi marunong.
Ang babala ng NTC Region 11 ay sa gitna ng isyu na nakalusot sa mga telco ang litrato ng isang unggoy matapos nilang subukang irehistro ito sa SIM registration.
Ayon kay Cañete anomang problemang posibleng maidulot ng SIM, kung sino ang nakapangalan dito ay siya ang mananagot.