NPA, lumalabang gaya ng mga robot – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | July 31, 2018 (Tuesday) | 3367

Muling umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na tigilan na ang pagrerebelde sa pamahalaan.

Aniya, tila mga robot na ang mga NPA at tanging sinusunod ang idinidikta sa kanila ng founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison.

Gayunman, handa pa rin naman aniya ang pamahalaang tanggapin ang mga nais na magbalik-loob sa gobyerno at magbagong-buhay.

Samantala, pangalawang pagkakataon ni Pangulong Duterte na magtungo sa Sta. Ana, Cagayan upang saksihan ang pagwasak ng mga smuggled luxury vehicles.

Kahapon, nasa 277.9 milyong piso na halaga ng mga puslit na mamahaling sasakyan at 19. 5 milyong piso na halaga ng motorsiklo ang winasak sa pamamagitan ng bulldozer at backhoe.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte ang dahilan kung bakit niya ito ginagawa.

“Kaya ito sinira ko ‘to because you have to show to the world that you have a viable place of investment and business. And the only way to show it is that you are productive and that you have the economy to absorb the productivity of the population”. – pahayag ni Pangulong Duterte.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,