NPA, inatasan ng CPP na paigtingin ang opensiba sa Mindanao kasunod ng Martial Law declaration

by Radyo La Verdad | May 26, 2017 (Friday) | 1570


Inatasan ng Communist Party of the Philippines ang New People’s Army na lalo pang paigtingin ang opensiba.

Ito ay bilang pagtutol ng grupo sa deklarasyong ng Martial Law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa CPP, isang indikasyon ng papahinang sistema sa Administrasyong Duterte ang pagdedeklara ng Martial Law.

Nanawagan ang komunistang grupo sa mga Pilipino na magsagawa ng mga pagkilos upang hindi matuloy ang implementasyon ng batas militar.

Naniniwala naman si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na hindi maaapektuhan ng Martial Law ang on-going peace talks ng pamahalaan sa mga Moro at komunistang grupo.

Nakiusap naman si Dureza sa mga Moro at komunista na kung maaari ay sumunod sa kondisyon ng pangulo na huwag gumamit ng armas habang nasa ilalim ng batas militar ang buong Mindanao.

Kagabi ay nagtungo na patungong Netherlands si Dureza para dumalo sa ika limang round ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines.

(Mon Jocson)

Tags: , , ,