Inilabas na ng Malacañang ang nomination paper ni Senator Gregorio Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Pirmado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-20 ng Nobyembre.
Ang pagkakatalaga kay Honasan ay kasabay ng pagpili ng pamahalaan sa ikatlong major telecommunications player na inaasahang bubuwag sa duopoly sa telecommunications industry sa bansa.
Ayon sa Malacañang, ang Commission on Appointments (COA) na ang bahalang bumusisi sa kwalipikasyon ni Honasan bilang tugon sa mga kumukwestyon sa kakayahan nitong pamunuan ang kagawaran.
Tags: DICT, Malacañang, Senator Honasan