No contact policy at mas mahigpit na screening sa mga bagahe, ipatutupad sa Mactan-Cebu International Airport vs tanim bala scam

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 1679

cebu-mactan-airport
Mas hihigpitan ng Mactan-Cebu International Airport ang seguridad sa paliparan upang maiwasan ang kaso ng tanim bala scam sa Cebu.

Ilan sa mga idinagdag na safety precautions sa Cebu airport ay ang no contact policy ng mga empleyado sa mga bagahe ng mga pasahero at pagkakaroon ng passenger control sa initial at final screening process nito.

Ayon kay Jemar Nietes, ang Supervisor ng Office for Transportation Security ng DOTC sa Mactan-Cebu airport, bawat araw ay may nakukumpiska silang live bullets at basyo ng bala na ginagawang amulet ng ilan nating mga kababayan.

Muli namang paalala ng PNP Aviation Security Group 7 sa mga pasahero na kung maaari ay huwag manghihiram ng maleta o bag, huwag ipagkakatiwala sa mga estranghero ang kanilang bagahe at tiyaking hindi ito mawawalay sa kanilang paningin bago at pagdating sa paliparan.

Tags: , ,