Report ng NBI sa imbestigasyon sa tanim bala scam, naisumite na sa DOJ

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 3110

NBI-DIR.MENDEZ
Kinumpirma ni NBI Director Virgilio Mendez na naisumite na kahapon sa DOJ ang report tungkol sa kanilang imbestigasyon sa tanim bala scam sa NAIA.

Kalakip na dito ang rekomendasyon na magsampa ng kaso sa ilang sangkot sa modus.

Tatlo o apat na insidente ng tanim bala ang pinagtuunan ng imbestigasyon ng NBI.

Tumanggi naman si Mendez na magbigay ng iba pang detalye ng report na kasalukuyan namang nirerebyu ng opisina ni Justice Secretary Benjamin Caguioa.

(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)

Tags: , ,