Patuloy ang pagbabantay ng Bulacan PNP at NLEX management upang mapanatili ang seguridad ng mga Asia deligate sa North Luzon Expressway.
Nasa pitong daang pulis ang nakadeploy sa bahagi ng Pulilan, Guiguinto, Balagtas, Bocaue, Marilao at Meycauayan. Habang nasa mahigit apat na raan naman ang nakaposte sa kahabaan ng Mc. Arthur Highway.
Bukod dito, naglagay naman ang NLEX management ng mga patrol personnel sa mga toll plaza at gasoline station para mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang pagsikip ng trapiko.
Bukas naman ang naturang highway para sa mga class one vehicles gaya ng AUV’s, kotse at class 3 vehicle tulad ng bus. Isasara lamang ang mga lane dito kapag dadaaan na Asian delegates.
Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng NLEX management at Subic-Clark-Tarlac Expressway ang truck ban mula November 12 hanggang 15.
Papayagan lamang dumaan ang mga truck mula alas dose ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.
( Nestor Torres / UNTV Correspondent )