Nilinaw ng World Health Organization na hindi nila inirekomenda sa kahit anong bansa na gamitin ang Dengvaxia vaccine sa kanilang immunization programs.
Batay sa inilabas na pahayag ng WHO kahapon, wala anila silang sinabing ganito sa inilabas na position paper noong July 2016.
Sa halip aniya ay naka-saad dito ang mga konsiderasyon na dapat isaalang-alang ng mga national government ang pagpapasya kung gagamitin ang naturang bakuna.
Nakasaad din sa kanilang statement na nailunsad na ng Department of Health ang naturang bakuna bago pa man nila inilabas ang kanilang abiso.