Nilalaman ng affidavit ni Ronnie Dayan hinggil sa pagtanggap ng drug money, tumutugma sa naging pahayag ni Kerwin Espinosa

by Radyo La Verdad | November 24, 2016 (Thursday) | 1458

nel_dayan
Sa kanyang pagharap House Justice Committee, idinitalye ni Ronnie Dayan kung papaano siya inuutusan ni dating Justice Sec. Leila de Lima na kumuha ng pera sa suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay Dayan, limang beses silang nagkita ni Kerwin noong 2014 at ang nakukuha niyang padala ay direkta niyang ibinibigay kay de Lima na tugma naman sa naging pahayag ni Espinosa.

Tatlong beses na rin aniya siyang nakasama sa pagbisita sa loob ng new bilibid prison ngunit kalaunan ay naiiwan na lamang siya sa sasakyan.

Pinabulaanan naman ni Dayan na tumatanggap siya ng pera mula sa dating NBI Director na si Rafael Ragos.

Itinanggi rin niya na kilala niya ang ilang bilibid inmates na sina Herbert Colangco at Engelberto Durano at naka-kolekta siya ng payola o drug money mula sa mga ito para sa kampanya ni de Lima.

Nilinaw naman ni Dayan na wala siyang ideya na sangkot sa iligal na droga si Kerwin Espinosa at pera mula sa drug operation ang kaniyang mga kinukuha.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,