NHA, dumipensa sa akusasyon ni Ormoc City Mayor Gomez na umano’y substandard housing project sa lungsod

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 2501

Trending ang video ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na ini-upload ng isang netizen sa social media nang mag-inspeksyon ito noong nakaraang linggo sa isang housing project ng National Housing Authority (NHA) sa Brgy. Gaas Ormoc City.

Makikita dito na tila pinagagalitan ng alkalde ang ilang personnel sa itinatayong mga pabahay.

Kinwestyon ng alkalde kung bakit mumurahin aniya na materyales ang ginagamit sa proyekto na mga pabahay ng pamahalaan para sa mga biktima ng lindol noong nakaraang taon. Ngunit depensa ng NHA, high quality units ang kanilang itinatayo.

Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni NHA Chief of Staff Atty. Christopher Mahamud na mapanirang puri ang mga pahayag na ito ni Mayor Gomez.

Ngunit ayon sa opisyal, wala silang planong magsampa ng kaso sa alkalde. Ngunit sana anila ay nakipag-ugnayan ito sa kanila kung may nakitang problema.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,