NGCP, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente sa Luzon ngayong tag-init

by Radyo La Verdad | March 31, 2017 (Friday) | 4356


Walang nakikitang magiging kakulangan sa supply ng kuryente sa Luzon ngayong tag-init ang National Grid Corporation of the Philippines.

Sa kanilang pagtaya, mayroong mahigit eleven thousand megawatts na nakahandang energy supply sa Luzon.

Sobra ito sa inaasahang peak demand o pinakamalaking pangangailangan ng Luzon na aabot sa 9,870 megawatts

Bagamat may ilang planta pa ring nakatakdang magsagawa ng maintenance shutdown.

Sinabi ng NGCP na hindi naman ito gaanong makaaapekto sa supply dahil sa mga bagong bukas na power plant.

Ngunit sa kabila ng malaking reserba, hindi pa rin matitiyak ng ngcp na hindi na magkakaroon ng brownout.

Kung dalawang malaking planta ang babagsak sa panahon ng taginit, maaari itong mauwi sa red alert, subalit hindi ito nangangahulugan na magkakaroon na ng brownout dahil naka antabay naman ang malalaking estbalisymenento na miembro ng interruptible load program.

Ang interruptible load program ang sagot ng meralco sa kakulangan ng supply ng kuryente.

Imbes na kumuha ng kuryente sa MERALCO, sariling generator ang gagamitin ng mga establisyemento upang mapalaki ang supply sa grid.

Samantala, wala ring naiulat ang ngcp na magiging problema sa supply ng kuryente sa Visayas at Mindanao.

Ngunit panawagan pa rin nila sa mga consumer na magtipid sa paggamit ng kuryente upang makaiwas sa brownout.

(Mon Jocson)

Tags: , ,