NFA, tiniyak na sapat ang supply ng bigas para sa La Niña

by Radyo La Verdad | May 28, 2024 (Tuesday) | 8167

METRO MANILA – Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang supply na bigas para sa La Niña.

Sa ulat ng NFA, triple ang dami ng rice buffer stock sa pamamagitan ng bagong pricing scheme.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nasa 2.8-M sako ng palay ang nasa bodega ng NFA at na nasa mataas na buying price range na P17 – P23 kada kilo ng sariwa o basang palay at mula P23 – P30 naman ang kada kilo ng malinis at tuyong palay.

Dagdag pa ni Lacson, sapat naman aniya ang stock na bigas mula sa 126,000 metric tons ng milled rice at patuloy pa itong nadaragdaga upang masiguro ang 300,000 metric tons na rice buffer stock na target ng ahensya para sa nagbabantang La Niña phenomenon.

Nakikipagugnayan naman ang NFA sa Department of Agriculture (DA), gayon din sa PhilMech, pribadong sektor at mga non-profit organization para makakuha ng mga drying facility para sa wet harvest season.

Tags: ,