NFA, sinimulan ang pagbili ng palay sa local farmers sa bagong presyo

by Radyo La Verdad | September 25, 2023 (Monday) | 9106

METRO MANILA – Nagsimula ng bumili ng palay sa local farmers sa bagong nitong ‘buying price’ ang National Food Authority (NFA).

Ayon kay NFA Administrator Roderico Bioco, ang bagong presyo ng dry palay na binibili ng NFA sa ngayon ay nasa P23.00 kada kilo habang sa wet palay naman ay P19.00 kada kilo.

Dagdag ng opisyal, magiging agresibo na ang ahensya sa pagbili ng palay sa buong bansa matapos itakda ang bagong equivalent net weight factor table na siyang tumutugma sa council para sa pricing scheme batay sa purity, moisture content , damaged at discolored parameters nito.

Ang dating presyo ng dry palay ay nasa P19.00 lang kada kilo at sa wet palay naman, nasa P16.00 kada kilo ang pinakamataas na presyo.

Mayroong 267 NFA buying stations na sa kasalukuyan ang agresibong nang bumibili ng palay sa local farmers sa buong bansa.

Tags: