NFA, mag-aangkat ng 750,000 mt bigas bilang paghahanda sa posibleng epekto ng el niño phenomenon

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 2229

bigas-edited
Mag-aangkat ang National Food Authority ng 750, 000 metric tons ng bigas para madagdagan ang buffer stock at mapanatiling stable ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.

Ito ay dahil sa posibleng maging epekto sa mga pananim sa bansa ng el niño phenomenon na inaasahang mas titindi pa sa pagpasok ng Oktubre at tatagal hanggang buwan ng Mayo 2016.

Ngayong taon ay nakapag-angkat na ng 1.8 million metric tons na bigas ang Pilipinas, mas mataas sa 1.7 million metric tons na inangkat noong nakaraang taon.

Noong taong 1997 hanggang 1998, bumaba ng 24% ang rice harvest ng bansa dahil sa el niño.

Tags: ,