Dagsa ngayon ang mga opisyal ng Nepal sa mga pangunahing paliparan para makakuha ng tulong mula sa iba’t ibang bansa para sa mga Nepalese na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol nitong nakaraang Sabado habang libo-libong survivors na ang nagsilikas mula sa Kathmandu.
Ayon sa isang senior interior ministry official, umabot na sa 3,900 ang kumpirmadong patay at halos 6,000 ang sugatan. Posible pa anya ito umakyat ng hanggang 5,000 dahil patuloy pa rin ang search and rescue operation sa bansa.
Nananawagan pa rin pamahalaan ng Nepal ng karagdagang suplay ng pagkain, gamot, rescue personnel at body bag para sa mga bangkay na nalilikom sa search operations.
Sa ngayon ay tumugon na ang Russia, Japan, France, Switzerland, Singapore, United States, China, Britain, Spain at Norway na nagpadala na ng mga medical at rescue team sa Nepal.
Tags: earthquake, foreign aid, Kathmandu, Nepal, rescue operation, search operations