Umaasa ang NEDA na maipagpapatuloy at mas mapabubuti pa ng susunod na administrasyon ang mga repormang ipinatupad ng kasalukuyang pamahalaan.
Isa nga sa mga repormang ito na sinasabi ng NEDA ay ang patuloy na pagmumuhunan sa mga social services na pangkalusugan, edukasyon, housing, at social security.
Isa pa sa mga repormang nagawa anya sa ilalim ng administrasyon ay pagpapalago sa sektor ng industriya at manufacturing. Katunayan nga, sa mga nakalipas na taon anya mas lumaki ang paglago sa dalawang sektor na ito kaysa sa services sector, na kadalasang pinagmumulan ng gdp growth ng bansa.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang pagpapatuloy ng mga repormang naipatupad na at pagpapabuti pa nito ay kailangan para masigurong magpapatuloy ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa.
Paliwanag pa ni Balisacan, di malayong maabot ng pilipinas ang upper middle income status bago matapos ang termino ng susunod na administrasyon.
Ibig sabihin nito, umaabot sa average 4 thousand to 12 dollars ang kita kada taon ng mga trabahador sa bansa.
Para nga anya magawa ito, kailangan patuloy ang pagmumuhunan human capital at pagiimprove sa competitiveness ng industry sector sa bansa.
Ayon pa kay Balisacan, ilan pa sa mga kailangang gawin ng susunod na administrasyon ay ang pagpataas ng antas ng kalidad ng mga trabaho sa bansa at kakayahan ng mga manggawa. Itoy ay para magawang inclusive ang ekomiya.
Isa pa anya na dapat gawin ay ang pagdevelop ng mga imprastruktura, paggamit ng teknolohiya, at pagpapatupad ng regulatory at structural reforms. Makatutulong anya ito sa pagkakaroon ng maraming investments.
Sinabi rin ni Sec. Balisacan na asahan na posibleng magkaroo ng kaunting pagbagal sa ekonomiya ng bansa sa oras na maupo ang bagong administrasyon.
(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)
Tags: administrasyon, economic reforms, NEDA, Pang. Aquino