NEDA: pagpapalit ng konstitution, mas magpapaganda sa ekonomiya ng bansa

by Radyo La Verdad | July 8, 2016 (Friday) | 2639

National-Economic-and-Development-Authority-Secretary-Ernesto-Pernia
Inihayag ni National Economic and Development Authority Secretary Ernesto Pernia na mas pabor sa mga mamumuhunan sa bansa kung maaamyendahan ang konstitusyon.

Ito ay dahil posibleng luwagan na ang batas para sa mga foreign investor na nais mamuhunan sa bansa.

Maging ang European Chamber of Commerce of the Philippines ay naniniwalang mas maraming investors ang mahihikayat na namuhunan sa bansa kung mapapalitan ang saligang batas kaugnay ng foreign investment.

(UNTV RADIO)

Tags: