Tatlo ang namatay at hindi pa matukoy ang bilang ng mga nasugatan sa pananalasa ng bagyong Ramil sa bansa.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nasawi ang tatlo dahil sa rockslide kung saan ang dalawa sa mga ito ay natabunan ng gumuhong bato habang nagbabakasyon sa isang beach sa San Juan Batangas.
Payo ni Marasigan, wag nang umalis ng bahay kung masama ang panahon at kung hindi naman maiiwasan ay alamin sa pamamagitan ng google map ang lugar na pupuntahan.
Kaya naman paalala ni Marasigan sa mga local government units na busugin sa impormasyon tulad ng mga abiso at babala ang kani-kanilang constituents upang hindi mapahamak tuwing may kalamidad.
Ihanda na rin aniya ang mga relief goods at mga evacuation centers dahil panahon ngayon ng bagyo, ulan at baha sa iba’t-ibang panig ng bansa.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: bagyong Ramil, LGU, NDRRMC