NDFP-Bicol, itinangging sangkot sa pagpaslang kay Cong. Batocabe

by Jeck Deocampo | December 28, 2018 (Friday) | 10897

ALBAY, Philippines – Pinabulaanan ng National Democratic Front of the Philippines-Bicol, ang mga akusasyon na sila ang nasa likod ng pamamaril kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng grupo, iginiit ng mga ito na walang anumang unit ang NPA na sangkot sa naturang krimen.

Samantala, nagbanta ang Pangulo na sasampalin at kokomprontahin ang sinasabing politiko na nasa likod ng pagpaslang sa dating mambabatas. Iginiit din nito na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng political terrorism.

“I will not allow political terrorism, oppression and intimidation. So, kung nakinig kayo ngayon kung hindi ikaw it’s a glory, but if you are the one na gumagawa ng kalokohan, pinapatay yung mga kalaban…pupuntahan kita dito. I will personally confront you. ‘Pagka hindi tayo nagkaintindihan, sampalin kita dito sa harap at kung may ebidensya ako, kakaladkarin kita.”

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, “If I say politically motivated, it could be the governor, it could be a barangay captain, but my favorite name now is mayor. But I am not saying who that mayor is.”

Inirekomenda na ni Pangulong Duterte sa Commission on Elections na isailalim na sa kanilang control ang bayan ng Daraga, Albay. Layon aniya nito na mahigpit na mabantayan ang anumang banta ng karahasan sa lugar na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.

Muli ring nagpaalala ang Pangulo sa lahat ng mga kumakandidato hinggil sa Alunan doctrine. Kung saan mahigpit na ipinagbawawal sa mga ito ang pagkakaroon ng mga body guard na mayroon matataas na kalibre ng armas maliban na lamang kung may pahintulot mula sa Comelec.

Tags: , , ,