NCR Plus posibleng luwagan sa General Community Quarantine status

by Erika Endraca | May 11, 2021 (Tuesday) | 3331

METRO MANILA – Posibleng luwagan na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus pagkatapos ng May 14, kung pagbabatayan ang mga datos kabilang na ang moderate level na health care utilization rate.

Gayunman, ayaw pangunahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Inter-Agency Task Force Against COVID-19 lalo na’t wala pa itong rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I will not second guess po the IATF, but pursuant to the formula, it is possible. Again, the final decision rest with the IATF” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ayon naman sa Octa Research Group, hindi pa rin nito inirerekomenda na luwagan sa GCQ ang NCR Plus.

Paliwanag ng mga eksperto nanatiling nasa critical level pa rin ang ulitzation rate ng Intensive Care Units (ICU), at kinakailangan na mapababa pa ang occupancy rate sa mga ospital.

Bukod dito, nanatiling mataas pa rin ang average daily attack at ang positivity rate kaya naman marami pa rin ang nagpopositibo sa COVID-19.

“We’d like to remind everyone that the trend are still reversible hindi parin ito when we say going down steadily, hindi siya definite na pababa na that any point in time maaaring tumaas parin ito but indications in the NCR plus bubble are generally, for the past few weeks are going down” ani Octa Research Team Fellow, Dr. Butch Ong.

“Yes we are healing, yes we’re trending in the right direction but we’re still not yet there (JC) we can understand if government will have discussions about extending the MECQ really because we need some time to heal, we also need some more time for government interventions” ani Octa Research Team Fellow, Prof. Ranjit Ry.

Ayon sa mga eksperto mas makakabuti kung palalawigin pa ng 1-2 Linggo ang MECQ, at mahalaga na maghinay-hinay sa pagluluwag ng quarantine restriction upang hindi mabalewala ang ilang Linggong pagbaba sa mga kaso.

Umaasa ang Octa Research Group na kung magtutuloy-tuloy pa ang downward trend, ay maaaring makapagtala na lang ng average na 1,900 na mga kaso pagkatapos ng May 14 o ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa kabila nito, mananatili namang mahigpit ang border control ng bansa anuman ang maging community quarantine classification sa greater Manila area.

(Marvin Calas | UNTV News)

Tags: , , ,