Kung dati ay iba-ibang klase ng NBI clearance ang kailangan para sa pag-aaplay ng trabaho, pagkuha ng lisensiya ng baril, pagkuha ng visa at pagbyahe sa abroad,
Sa ngayon, isang klase na lamang ang kailangan para sa lahat ng transaksyon na nangangailangan ng NBI clearance, local man o abroad.
Tinatawag itong multi-purpose clearance, may bisa sa loob ng isang taon at makukuha sa halagang 115-pesos bawat kopya.
Hindi pa ito alam ng iba sa mga kumukuha ng NBI clearance pero natutuwa silang iisang klase ng clearance na lang ang kailangan sa mga transaksyon.
Pwede pa namang magamit ang mga lumang NBI clearance hangga’t hindi pa ito expire ngunit limitado lamang sa partikular na purpose na nakasaad dito.
( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )
Tags: multi-purpose clearance, NBI, visa