NBI, inihahanda na ang paglilipat ng kulungan sa 10 akusado sa Atio Castillo case

by Radyo La Verdad | May 23, 2018 (Wednesday) | 7344

Inihahanda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paglilipat ng kulungan sa sampung akusado sa pagpatay sa UST law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay NBI Deputy Director Spokesman Ferdinan Lavin, alinsunod ito sa kautusan ni Judge Marivic Balisi-Umali ng Manila Regional Trial Court Branch 20 matapos hindi pagbigyan ang kahilingan ng mga suspek na manatili sa kustodiya ng NBI.

Batay sa kautusan ng korte, mayroong 48 oras ang NBI upang ilipat ng kustodiya ang sampung anti-hazing suspects sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Binigyang merito ng korte ang panig ng prosekusyon na dapat sa pasilidad ng BJMP makulong ang mga taong nahaharap sa paglilitis at ang NBI detention facility ay nagsisilbi lamang na pansamantalang lock-up cell.

 

 

Tags: , ,