Nasawi sa mudslide sa California, 15 na

by Radyo La Verdad | January 11, 2018 (Thursday) | 4137

Pinangangambahang tataas pa ang bilang ng mga patay sa naganap na mudslide sa Ventura at Sta. Barbara sa California, ilang milya lang ang layo mula sa Los Angeles.

Sa kasalukuyan ay 15 na ang naitalang patay dahil sa mga mudslide at inilikas na ang higit sa 7,000 residente sa Ventura at Santa Barbara Counties. Ilan sa mga ito ay inilikas sa ikalawang pagkakataon dahil noong Disyembre, ang lugar na ito ang sinalanta naman ng wildfires. Isinisisi ang mudslide dahil sa patuloy na malakas na bagyo sa California.

Matatandaang iniulat noong December 2017 na nagpahayag ang mga residente ng Ventura at Sta. Barbara na magkaroon nga ng mudslide sa California dahil nasunog na ng wildfire ung protective covering sa lupa o yung mga puno at mga halaman.

Maalalang mula noong Agosto ng 2017, hanggang Disyembre ay nagkaroon ng malalaking wildfires sa parehas na lugar dahil naman sa ilang taong tagtuyot na dinanas ng California.

Ayon sa US Weather Services, inulan lamang ng hanggang half inch ang Santa Barbara County kahapon sa loob ng 5 minutes ngunit sapat ito upang makagawa ng mga mudslide.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang ginagawang rescue operations ng mga otoridad sa mga posibleng na-trap sa loob ng kanilang mga bahay.

Pinakahuling nailigtas dito ay ung isang labing apat na taong dalagita na nasa loob ng kanilang bahay na natabunan ng putik.

 

( Kalvin Manaig / UNTV Correspodent )

Tags: , ,