2 Pinay, patay sa car crash sa California

by Radyo La Verdad | October 4, 2018 (Thursday) | 17967

Nagpa-abot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga kamag-anak at kaibigan ng dalawang Filipina na nasawi sa car crash sa Palmdale, California, noong Sabado.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Los Angeles sa Sheriff’s office ng LA na inaasahang magbibigay ng detalye sa aksidente na ikinasawi ng dalawang Pinay na nasa 60 anyos.

Sa ulat ni Consul General Adel Angelito Cruz kay DFA Secretary Allan Peter Cayetano, sinabi nito na bumanga ang sinasakyan ng dalawang Filipina sa isang construction truck sa 14 freeway malapit sa Palmdale Boulevard, Sabado ng umaga.

Sinabi rin ng consul general na nakahandang mag-abot ng tulong ang pamahalaan sa mga kamag-anak ng biktima.

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,