Nakahanda na ang Manila Police District sa pagpapanatili ng kaayusan sa Traslacion 2018 sa Martes, January 9. Nag-ikot na kanina ang ng pamunuan ng MPD sa dadaanan nito upang tiyakin ang seguridad at makita ang mga maaaring obstruction sa ruta.
Ipinagbabawal ng mga pulis ang paggamit ng mga black bag o anomang itim na plastic for security purposes na rin. Magkakaroon din ng pagbabago sa rutang dadaanan nito upang makaiwas sa traffic at mas maluwag ang espasyo para sa mga sasama .
Nagsimula na ring inspeksyunin ng DPWH ang mga kalsada at sinisigurong mas mainam itong daanan kaysa sa nakagawiang ruta noong mga nakalipas na taon.
Sinisiguro naman ng MPD na matapos ang pakikipagpulong sa iba pang intelligence units sa NCR, tityakin nilang may sapat silang tauhan na magbabantay para sa tinatatayang milyong mga Pilipinong sasama sa Traslacion. Maglalabas ang MPD ng pinal na plano at rerouting plan para sa mga sasakyan sa Biyernes, January 5.
Payo ng otoridad sa ating mga kababayan na may pre- exisiting conditions gaya ng sakit sa puso, mga buntis, mga bata na huwag nang sumama pa sa prosisyon para sa kanilang kaligtasan at seguridad.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: DPWH, MPD, Traslacion 2018