Nasa 71,000 indibidwal naapektuhan ng Bagyong Florita – NDRRMC

by Radyo La Verdad | August 26, 2022 (Friday) | 5997

Nasa pitumpu’t isang libong indibidwal na ang naapektuhan ng pagtama ng bagyong florita sa bansa.

Ayon sa inilabas na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw, Aug. 26, nagmula ang mga ito sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, CALABARZON at Metro Manila.

Nasa kabuuang 776 na pamilya naman ang nananatili sa mga evacuation center, habang 169 ang nakikituloy sa bahay ng kanilang mga kaanak o kaibigan. Tatlumpu’t tatlong (33) bahay naman ang napaulat na nasira sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR.

Umabot naman sa 6.2 million  pesos halaga na ng food packs, hygiene kits at relief assistance na ang naibigay sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyo.

Tags: , ,