Presyo ng ilang gulay sa palengke may dagdag-bawas matapos ang bagyo

by Radyo La Verdad | August 26, 2022 (Friday) | 8210

Sa datos ng Department of Agriculture, nakapagtala na ng nasa 19.1 million pesos na pinsala sa agrikultura ang pagdaan sa Luzon ng Bagyong Florita.

Nasa 1,286 ang mga magsasakang naapektuhan na may 1,833 ektaryang agricultural areas, kasama sa mga napinsalang pananim ay palay, mais at high value crops.  Ayon sa DA, hindi naman naapektuhan ang daloy ng mga gulay at nakarating naman ang mga ito sa trade centers sa Benguet.

Samantala, ang presyo ng mga gulay sa bagsakan sa Balintawak. Tumaas ng nasa 40 pesos ang kada 19 kilos na bundle ng patatas mula sa 780 pesos at ngayon ay nasa 820 pesos na. Ang carrots na tig 10 kilo ay 900 na ngayon mula sa 770 noong July lang. Pero ang kamatis na dating 55 kada kilo ay 40 pesos nalang ngayon. ‘Yung ibang gulay naman gaya ng repolyo at sayote ay halos hindi naman gumalaw ang presyo.

Ayon sa DA, magpapakalat pa sila ng mga kadiwa store sa Metro Manila para may mabili ng mas mababa ang presyo.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,