Nasa 700 flights sa Bali airport sa Indonesia, kinansela dahil sa volcano ash

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 1480
Mga estranded na pasahero sa Indonesia(REUTERS)
Mga estranded na pasahero sa Indonesia(REUTERS)

Pansamantalang isinara ang Ngurah Raj airport sa Bali, Indonesia dahil sa patuloy na pagbubuga ng abo ng bulkan sa kalapit na isla.

Dahil dito nasa animnaraan syamnaput dalawang byahe ng eroplano papasok at palabas sa isla ang kinansela sa isa sa pinaka-abalang paliparan sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, buong araw na isasara ang airport at bubuksan lamang depende sa kalalabasan ng ebalwasyon sa sitwasyon ng bulkan.

Nagsimulang magbuga ng abo ang bulkan sa lombok island nitong weekend at ayon sa Meteorological agency mataas ang posibilidad na tuluyan itong sumabog .

Tags: , ,