Nasa 300 OFW, makikinabang sa Consensus on the Protection of the Rights of Migrant Workers na pinirmahan ng ASEAN leaders – TUCP

by Radyo La Verdad | November 15, 2017 (Wednesday) | 3362

Ikinatuwa ng Trade Union Congress of the Philippines- Associated Labor Unions ang Consensus on the Protection of the Rights of Migrant Workers na pinirmahan ng ASEAN leaders.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Alan Tanjusay, nasa 300 libong OFW na nasa ASEAN countries ang makikinabang dito lalo na ang mga nasa Singapore at Malaysia.

Ang pagpirma aniya ng mga ASEAN heads of state ay pagkilala na kailangang bigyan ng proteksyon ang mga manggagawa o migrant workers, pagkakaroon ng sapat na sahod at benepisyo, maging ang maayos na lugar sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Higit sa lahat aniya ay ang pagkakaroon ng access sa batas kapag nagkaroon ng problema sa mga banyagang amo.

Isusulong ng grupo sa susunod na ASEAN Summit sa Singapore na  magkaroon ng action plan bawat bansang miyembro ng regional block.

 

 

Tags: , ,