Ikinagulat ng Pampanga Provincial Government ang sabay-sabay na pagsuko kaninang umaga ng mahigit sa sampung libong indibidwal na umaming lulong sila sa iligal na droga.
Ayon sa lokal na pamahalaan, wala pa silang available na rehabilitation center para sa drug dependents ngunit may inilunsad na silang reformation and re-integration program.
Sa ilalim ng programa, oobligahin ang sumukong drug dependents na mag-report sa barangay isang beses sa isang linggo.
Dadaan sila sa reformation process at bibigyan ng livelihood assistance upang magkaroon ng marangal na hanapbuhay.
Tags: 000 drug dependents, LGU, Nasa 10, rehabilitation center