METRO MANILA, Philippines – Inako ni Manila Water President Ferdinand Dela Cruz ang lahat ng responsibilidad sa nangyaring water shortage.
Gayunman, itinanggi nito na nagkaroon ng conspiracy o pakana ng ilang sektor ang hindi inaasahang pagbagsak ng water level sa kanilang mga customer upang matuloy ang konstruksyon ng Kaliwa Dam.
“Whatever the accountability for this issue takes me as president of Manila Water, I am willing to take that accountability,” sabi ni Ferdinand Dela Cruz Manila Water, President.
Samantala, pag-aaralan naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nais ng mga mambabatas na mabigyan ng rebate o refund ang mga customer ng Manila Water na naperwisyo ng water service interruptions.
Tags: Manila Water, MWSS, suplay ng tubig, water shortage