Namatay na baboy sa Pilipinas dahil ASF umabot na sa 8,000 – OIE

by Erika Endraca | September 20, 2019 (Friday) | 3644

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang World Organization For Animal Health (OIE) ng halos 10,00 pagkamatay ng mga baboy sa buong mundo dahil sa African Swine Fever (ASF) mula August 30 – September 12 ngayong taon.

Mahigit 1,500 dito ay mula sa Europa; habang mahigit 200 naman sa Africa. Sa 8,200 na naitala sa Asya, 8,000 rito ay galing sa Pilipinas o 80% ng mga namatay na baboy.

Pero paglilinaw ng Department of Agriculture (DA) ito ay sa 2 linggong period lamang at hindi mula nang mag-umpisa ang outbreak sa iba’t-ibang bansa.

“Mula pa noon, ayon sa OIE, 2.5 Million na ang namatay na baboy dahil sa ASF (sa China), sa atin 7,400. I-divide mo yun, lalabas .00279. Parang 3,000. Ibig sabihin, 3-baboy sa namatay na1,000 , 3 galing sa Pilipinas. Isang libo worldwide.” ani Department of Agriculture Spokesperson Noel Reyes.

Hinihikayat ng OIE ang mga bansang miyembro nito na magpatupad ng sanitary measures sa mga tirang pagkain na nanggagaling sa mga eroplano. Dapat ay ma-treat muna ang mga ito bago ipakain sa mga baboy.

Sa Pilipinas two thirds ng mga baboy ay inaalagaan ng mga backyard raiser sa pamamagitan ng swill feeding o kaning baboy

(Jun Soriao | UNTV News)

Tags: ,