METRO MANILA – Bumaba ang naitalang inflation rate ng bansa noong buwan ng Oktubre ngayong taon batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Mula sa 6.1% noong Setyembre, bumagal sa 4.9% ang naitalang inflation rate noong nakaraang buwan, na mas mababa sa 6.1% na naitala noong Setyembre.
Kapansin-pansin din na mas mababa ito sa 7.7% sa kaparehong buwan noong 2022.
Ayon sa ahensya, pangunahing nakapagpababa sa inflation ay ang pagbagal ng year-on-year increase sa food at non-alcoholic beverages.
Naniniwala naman ang PSA na posibleng magpatuloy pa ang pagbagal ng inflation sa mga darating na buwan kung hindi magkakaroon ng shock ng supply sa bansa.
Tags: inflation, October 2023, PSA